Tambalang Salita: Pagkakaiba ng Ganap at Di-Ganap, Kahulugan at Halimbawa

Kagaya ng pagbuo sa laruang lego, may mga salita na kapag pinagdugtong ay makakabuo ng bagong anyo. 

Kumusta, ka-gaget at tignay! Napansin mo ba na minsan may nababasa kang salita na pinag-isa? Ang mga 'to ay tinatawag na tambalang salita. 

Mula sa takip-silim, silid-aralan at kapitbahay, ating bubuklatin ang kahulugan, layunin at mga halimbawa ng mga salitang ito na usong-uso sa pang-araw-araw na pakikipag-ugnayan.

{tocify} $title={Table of Contents}

Tambalang salita

Simpleng Paliwanag: Kahulugan ng Tambalang Salita

Kilala bilang compound word sa Ingles, ang tambalang salita ay binubuo ng dalawang salita na pinagsama upang makabuo ng panibago. Ang nabuong salita ay may sarili na ring diwa.

May mga tambalang salita na pinagdudugtong ng gitling (-) at meron ding iba na wala. Pinapakita nito kung gaano kayaman ang wikang Filipino pagdating sa iba't ibang bagay. 

Narito naman ang dalawang uri nito:

Tambalang Ganap

Ang tambalang ito ay bumubuo ng kahulugang iba sa orihinal na ibig sabihin ng dalawang salitang pinagtambal. Itinuturing nang iisa ang bagong salita.

Narito ang ilang halimbawa:

Anakpawis — hindi anak na pinagpapawisan ang ibig nitong sabihin. Tumutukoy ito sa pagiging maralita o normal na manggagawa.

Balat-sibuyas — ginagamit upang ilarawan ang taong madaling maapektuhan o masaktan, kumbaga ay sensitive sa Ingles.

Tambalang Di-Ganap

Sa kabilang panig, ang tambalang ito naman ay pinapanatili ang orihinal na kahulugan ng mga salitang pinagtambal. 

Madalas itong gamitan ito ng gitling (-) upang ipakita ang pagkakabukod ng dalawang salita.

Narito ang ilang halimbawa:

Silid-aralan — nangangahulugang silid para sa aralin o sa madaling sabi, classroom. 

Bahay-kubo — simpleng bahay na yari sa kahoy o kawayan.

Susunod na babasahin: Salawikain sa Makabagong Panahon, Nananatiling Gabay ng Kabataang Pilipino

Layunin ng Tambalang Salita

Ang ating wika ay napupuno ng kagandahan at kayamanan. Narito ang dahilan kung bakit may mga tambalang salita at bakit sila ginagamit.

  • Nagpapayaman ng talasalitaan
  • Nagpapaikli ng diyalogo at teksto


Mga Halimbawa

Tambalang Salita Kahulugan / Paliwanag
Bagsak-presyo Pagmura ng mga bilihin
Bagong-luto Kakaluto lang na pagkain
Bukang-liwayway Pagsikat ng araw o madaling-araw
Takip-silim Sandaling papalubog na ang araw o dapit-hapon
Bale-wala Hi di ganon kaimportante
Asal-hayop Bastos, walang modo o masamang ugali
Balik-bayan Pilipinong umuuwi sa bansa galing sa abroad
Kapitbahay Mga nakatira sa katabing bahay
Dalampasigan Pampang o tabing-dagat
Siling-labuyo Maliit at napaka-anghang na uri ng sili
Kapus-palad Kulang sa yaman o pagkakataon o mahirap
Hubo't hubad Walang saplot sa katawan
Lakas-loob Katapangan o kompiyansa sa sarili
Inang-wika mother tongue o unang lenggwahe
Buntong-hininga Mahabang paghinga bilang pagpapalabas ng emosyon
Lampas-tao Mas mataas kaysa sa tangkad
Bahaghari Makukulay na arko sa langit pagkatapos ng ulan
Bukod-tangi Pambihira o kakaiba sa lahat
Sirang-plaka Nakakarindi o paulit-ulit
Takdang-aralin Gawain o homework na ibinibigay ng guro


Huling Hirit

Mula sa tambalang ganap na bumubuo ng bagong kahulugan, tambalang di-ganap na pinapanatili ang orihinal na diwa, at mga halimbawa nito, ating napagyaman ang ating kaalaman.

Bagama't malawak ang sakop ng ating wika, ang pagbuo ng mga salitang ito ay tunay na nakakahanga. Tunay na mahalagang isaalang-ala ang gramatika lalo na kung ginagamit ito sa pangungusap.

Para naman sa susunod na sanaysay, maikling kwento at simpleng tula na susulatin mo, tandaan ang mga nadiskubre at gamitin mo ang iyong mga natutunan para magdagdag ng kulay sa iyong akda.

McJulez

McJulez is a dedicated writer with a passion for creating concise summaries, sharing insightful notes, and offering fresh perspectives on various topics. With a Bachelor’s degree in Business Administration and a background in campus journalism, McJulez is committed to delivering content that is both reliable and enriching. Focused on fostering a healthy learning community, McJulez aims to make this platform a space for knowledge, growth, and meaningful connections.

Post a Comment

Previous Post Next Post