Sa araw-araw nating pamumuhay, madalas tayong nakakarinig ng mga salitang may dalawang kahulugan sa paaralan man, sa bahay o sa ibang lugar.
May mga salitang tuwiran at malinaw ang nais ipahiwatig, ngunit meron ding kapareho na salita na may nakatagong pahiwatig. Sa Filipino, ito ang tinatawag nating denotasyon at konotasyon.
{tocify} $title={Table of Contents}
$ads={1}
Ang denotasyon ay tumutukoy sa literal na kahulugan ng salita na makikita rin natin sa diksyunaryo.
Ang konotasyon naman ay mas malalim na kahulugan. Kadalasan itong simboliko at may kalakip na emosyon, pananaw, o karagdagang ideya na nais ihayag.
Bilang mga mag-aaral, mahalagang maunawaan ang dalawang ito dahil malaking tulong ito sa pagsusuri ng mga tula, alamat, at iba pang akdang pampanitikan.
Upang maitatak sa isip ang kabuluhan ng mga nasabing konsepto, mayroong mga halimbawa sa ibaba na makakatulong upang mas maging malinaw ang pagkakaiba ng denotasyon at konotasyon.
$ads={1}
Mga Halimbawa ng Denotasyon at Konotasyon
Halimbawa | Denotasyon (Literal) | Konotasyon (Malalim na Kahulugan) |
---|---|---|
Bugtong na anak | Nag-iisang anak | Madalas spoiled o sobrang mahal ng magulang |
Nagsusunog ng kilay | Literal na pagsunog ng buhok sa kilay | Masipag mag-aral |
Pusong-bato | Isang puso na gawa sa bato | Hindi marunong maawa; Matigas ang puso |
Balitang-kutsiro | Balitang galing sa isang kutsero | Balitang walang katotohanan o tsismis lamang |
Pambura | Bagay na gamit sa pagbura ng isinulat | Isang tao o bagay na madaling kalimutan |
Pagputi ng uwak | Ang uwak ay nagiging puti | Isang bagay na imposibleng mangyari |
Buhay-alamang | Maliit na nilalang sa dagat | Mahina, salat, o madalas inaapi lang |
Buwaya | Hayop na reptilya na naninirahan sa tubig | Swapang o kurakot, lalo na sa pera |
Kawayan | Isang uri ng halaman na mataas | Isang tao na matangkad ngunit payat |
Ahas | Isang gumagapang na reptilya | Traydor o mandaraya |
Basang-sisiw | Sisiw na nabasa ng ulan | Tao na kaawa-awa |
Bola | Laruang bilog na ginagamit sa isports | Pagbibigay ng papuri para makuha ang nais |
Itim na pusa | Isang pusang may kulay na itim | Itinuturing na malas sa pamahiin |
$ads={2}
Huling Hirit: Ang bawat salita ay makapangyarihan at napupuno ng kahulugan
Ating natuklasan na ang denotasyon ay nakatuon sa tuwirang kahulugan ng isang salita, samantalang ang konotasyon ay nagbibigay ng mas malalim na pagpapahiwatig sa salita batay sa kultura, damdamin, o pananaw.
Mahalagang pag-aralan ito upang mas mapalawak ang ating pang-unawa sa panitikan at sa araw-araw na komunikasyon. Bilang kaakibat sa patuloy na pagkatuto, nawa'y ang Gaget at Tignay ay patuloy na nakakatulong sa iyo.
Tandaan palagi:
Ang salita ay may kapangyarihang magbigay pahiwatig ng higit pa sa literal na kahulugan nito, at iyon ang nagbibigay ng karagdagang kulay sa ating wika.