Sa abalang-abala na kalsada kung saan may matutulin ding mga sasakyan, mahalagang sumunod sa mga batas trapiko. Bagama't hindi nakikita sa road signs ang iba sa mga ito, importanteng panatilihin ang wastong disiplina.
Maliban pa sa mga naging karanasan, aking inilista sa baba ang paggamit ng mga pandiwa sa pangungusap sa konteksto ng pagsunod sa mga batas trapiko. Bibigyang-pansin din kung paanong ang pagsunod dito ay nagbibigay sa atin ng aral patungkol sa pagiging maingat at alerto sa kalsada para maiwasan ang hindi kanais-nais na aksidente.
{tocify} $title={Table of Contents}
Mga Karanasan sa Pagsunod sa Batas Trapiko
Sa pag-uwi ng mga estudyante galing sa paaralan, kahit dala-dala ang mabigat na bag at ang pagod na katawan ay maraming naglalakad. Kapag nakapula pa ang ilaw ng pedestrian, titigil muna at maghintay. Manatili lamang sa gilid ng kalsada at hintaying maging berde ang ilaw na siyang hudyat na pwede nang tumawid.
Sa normal namang senaryo sa buhay kagaya ng pamamalengke, huwag tatakbo kahit walang sasakyan na paparating. Matutong maghintay at magpasensya dahil hindi natin alam ang pwedeng mangyari sa isang iglap lang. Maaaring may mabilis na motorsiklo na dadaan dahil hindi rin talaga to maiiwasan.
Sa perspektibo naman ng mga drayber, huminto dapat ang drayber sa tamang bay crossing kapag nakita niya ang stop sign. Kahit may pagkakataong sumingit, manatiling kalmado at sumunod sa batas trapiko. Sa simpleng kilos na ito, hindi lang para sa sarili nuya ang prinoprotektahan sa anumang aksidente, kundi para rin sa bawat pasahero.
Mga Pandiwa at mga Ginamit na Pangungusap
Mga Pandiwa | Pangungusap |
---|---|
Tumigil | Tumigil sa gilid habang nakapula ang ilaw ng pedestrian. |
Maghintay | Maghintay hanggang maging berde ang ilaw bago tumawid. |
Tumingin | Tumingin sa kaliwa at kanan ng kalsada bago tumawid. |
Huminga | Huminga nang malalim habang naglalakad at maging alerto sa lahat ng pagkakataon. |
Gumamit | Gumamit ng footbridge kung meron para mas ligtas na makatawid sa kabila. |
Sumunod | Sumunod sa bawat batas trapiko upang maiwasan ang aksidente. |
Huminto | Huminto ang drayber pagkakita ng stop sign bilang pagsunod. |
Itigil | Itigil ang pagsuot ng earphones habang naglalakad para maging alerto. |
Gumamit | Gumamit ng signal light para alam ng ibang drayber kung ikaw ay hihinto o liliko. |
Nakikita | Nakikita natin sa pang-araw-araw na senaryo kung gaano kahalaga ang pagsunod sa batas trapiko. |
Basahin din: Ang Mundo at ang Pitong Kontinente Nito
Mga Road Etiquette
Bilang Komyuter o Passerby
- Tumawid lamang sa pedestrian lane pero hintayin munang maging berde ang ilaw bago magpatuloy.
- Laging tumingin sa kaliwa at kanan bago tumawid.
- Huwag magmadali o biglang tumakbo habang tumatawid.
- Iwasan ang pakikinig sa malakas na kanta sa earphones o cellphone habang naglalakad sa kalsada.
- Igalang ang mga may kapansanan at bigyan sila ng daan.
- Makinig sa mga traffic enforcer at maging alerto sa pagsunod ng kanilang senyas.
- Magpasalamat o magbigay ng senyales sa mga driver na huminto para bigyan ka ng daan.
Bilang Drayber
- Sumunod sa lahat ng traffic lights at signage.
- Bigyang daan ang mga bata, matatanda, at buntis na tatawid.
- Iwasang gumamit ng cellphone habang nagmamaneho o habang naghihintay ng go sign.
- Panatilihing nasa tamang linya at huwag sumingit nang biglaan. Huwag maging kamote.
- Panatilihin ang tamang distansya sa sinusundan na sasakyan. Magbigay-respeto sa kalsada.
- Gumamit ng signal light bago lumiko o magpalit ng lane.
- Iwasang bumusina nang walang dahilan at gamitin lang kung kinakailangan. Nakakabingi ito at nakakagulat.
- Maging mahinahon at magbigay-daan kung kinakailangan upang maiwasan ang away sa kalsada. Iwasan ang road rage.
Huling Hirit: Hatid na Mensahe ng Wastong Pagsunod
Ang mga batas trapiko ay hindi lamang simpleng tuntunin. Kailangang alam natin ang mga ito upang mapangalagaan ang ating kaligtasan sa kalsada. Kung walang ganitong alituntunin sa kalsada, tiyak na magkakagulo at hahantong sa walang tigil na aksidente at bangayan.
Kaya naman bilang komyuter, lalo na sa mga kabataan, ang bawat kilos kagaya ng paghinto at pagtingin sa kaliwa’t kanan ng kalsada ay simple lamang ngunit mahalaga. Matuto tayong maging responsable dahil himdi natin alam ang pwedeng mangyari sa isang iglap.
Tandaan rin na hindi porket wala kang nakikitang sasakyan at nakapula pa naman ang ilaw trapiko, huwag ka pa ring tatawid. Ang kaligtasan ay nasa wastong disiplina. Mag-ingat at huwag maging atat.