Mga Tauhan sa Biag ni Lam-Ang at ang Hatid na Mensahe nito Gaget at Tignay: Mga Tauhan sa Biag ni Lam-Ang at ang Hatid na Mensahe nito

Mga Tauhan sa Biag ni Lam-Ang at ang Hatid na Mensahe nito

Ang Biag ni Lam-ang ay isang tanyag na epiko sa rehiyon ng Ilocos sa Pilipinas. Isa itong salaysay ng katapangan at kultura na sumasalamin sa bansa.

Original language: Filipino

Author: Generally considered to be Pedro Bukaneg

Monicker: Father of Ilocano Literature, Apostle of the Ilocanos

Genre: Epic poem

Publication place: Philippines

Characters

Lam-ang

Ines Kannoyan

Mahiwagang Aso

Mahiwagang Tandang

Don Juan

Namongan

Sumarang

Lakay Marcos




Kagaya sa mga epikong mula sa iba't ibang sulok ng Pilipinas, ang bida sa epikong ating bubusisiin ngayon ay may taglay na kakaibang kalakasan at katangian. Kagaya rin ng iba, patuloy nitong binubuhay ang ating kultura at kasaysayan. 

Ang tanyag na epikong Ilokano na pinamagatang Biag ni Lam-Ang ang siyang tampok ngayon sa ating usapin. Ito ay kwentong naglalarawan sa kabayanihan, hiwaga, at kapangyarihan ng isang natatanging tauhan na si Lam-Ang. Higit pa sa mga bagay na ito, sinisimbolo ng akdang ito ang pagiging Pilipino na may tapang, talino, at pagpapahalaga sa pamilya at bayan.

Handa ka na bang bisitahin ang kanilang mundo? Samahan mo ako at ating alamin ang buod ng kwento. Susuriin ang mga katangian, kalakasan, kahinaan ng ating bida pati na rin ang dalawang mahiwagang hayop na may mahalagang papel sa buhay niya.

{tocify} $title={Table of Contents}

Buod ng Biag ni Lam-Ang

Si Lam-Ang ay isinilang mula sa bayan ng Nalbuan. Ang mga magulang niya ay sina Don Juan at Namongan. Hindi kagaya ng mga bagong silang, pagkapanganak pa lamang niya ay agad na siyang nakapagsalita at nakalakad. Siya mismo ang pumili ng kanyang pangalan at nagpahayag ng hangaring hanapin ang ama niyang si Don Juan, na matagal nang hindi nakakauwi matapos magtungo sa lugar ng mga Igorot upang makipaglaban.

Kahit bata pa lamang siya, matapang niyang nilakbay ang kabundukan upang hanapin ang kanyang ama. Pagkarating sa tribu ay napansin niyang may pista ang mga igorit. Sumasayaw ang mga ito habang pinapalibutan ang isang bagay at napagtanto niyang ulo ng kaniyang ama ang nasa gitna. Dahil dito, iginanti niya ang ama at tinalo ang tribu. Matagumpay siyang nakabalik sa kanyang bayan. Matapos nito, napagpasyahan niyang maligo sa Ilog Amburayan. Sa sobrang dumi ng kanyang buhok, namatay ang mga isdang lumalangoy sa ilog.

Hindi nagtagal, napaibig rin si Lam-Ang sa isang magandang dalaga na nagngangalang Ines Kannoyan mula sa bayan ng Calanutian. Sa kabila ng maraming pagsubok at panganib, nakamit niya ang matamis na oo at kaniyang napangasawa si Ines. Ngunit sa isang pagkakataon habang humuhuli ng rarang, si Lam-Ang ay nilamon ng malaking isda na kilala sa tawag na berkakang. Ito ang dahilan ng kanyang pagkamatay. 

Isang maninisid ang kumuha sa kaniyang mga buto at sa tulong ng dalawa niyang mahiwagang hayop na isang tandang at aso, siya ay muling nabuhay dahil sa natatanging kapangyarihan ng dalawang alaga.

Mga Katangian ni Lam-Ang

Matapang

Siya ay walang takot sa pagharap ng mga panganib kahit bata pa lamang siya. Mahihinuha ito nang siya'y naglakbay sa kabundokan upang hanapin ang ama at ipaghiganti ito.

Matalino at madiskarte

Laging may paraan si Lam-Ang upang malagpasan ang bawat hamon. Mapapatunayan ito sa pagharap sa bawat pagsubok at paglutas sa mga ito.

Matatag ang loob

Ang katangian niyang ito ay mapapatunayan nang hindi siya nag-alinlangan na hanapin at ipaghiganti ang kanyang ama.

Kakaibang lakas at katauhan

Pagkasilang pa lang ay agad na siyang nakalakad at nakapagsalita. Ito ay isang bagay na mahiwaga para sa normal na tao. Pero kagaya ng ibang bida sa isang epiko, hindi na ito nakapagtataka.

Tapat at mapagmahal

Siya ay handang magsakripisyo para sa mga taong mahal niya, tulad ng kanyang pamilya at asawa.

Kalakasan ni Lam-Ang

  • Dahil sa kaniyang pambihirang lakas, may kakayahan siyang makipaglaban sa maraming kalaban kahit nag-iisa lamang siya.
  • Mayroon din siyang mahiwagang kagamitan na siyang nagpapalakas sa kanya sa laban tulad ng tansong ginto at talisman.
  • Dahil sa tulong mula sa mahiwaga niyang hayop at ang kapangyarihan ng mga ito, mas lalong naging malakas si Lam-Ang.
  • Siya ay mahusay na lider din sa kanyang mga kababayan dahil sa kanyang matatag na paninindigan at tapang.

Mga Mahiwagang Hayop ni Lam-Ang

Ang Mahiwagang Tandang

Ang mahiwagang tandang ni Lam-Ang ay hindi ordinaryong hayop. Bukod sa makulay nitong mga balahibo, nagtataglay din ito ng kakaibang kapangyarihan kagaya ng pagbigay-babala sa panganib. Sa isang tilaok lang nito, kaya nitong patumbahin ang isang bahay.

Sa sandaling siya ay namatay dahil sa malaking isda, isa ito sa naging dahilan upang siya ay muling mabuhay. Sa kumpas lang ng pakpak nito at sa tulong ng mahiwagang aso, si Lam-Ang ay muling nabuo at nabuhay.

Ang Mahiwagang Aso

Katuwang ng tandang ang mahiwagang aso ni Lam-Ang. Sa tuwing tumatahol ito, nanginginig sa takot ang mga kalaban. Nagtataglay rin ito ng pambihirang kakayahan upang ibalik ang lakas at buhay ng bida.

Kasinghiwaga nito ang tandang at parehong namumukod-tangi ang kakayahan nilang dalawa. 

Iba pang tauhan

Don Juan

Ang ama ni Lam-Ang na nagtungo sa isang lupain upang labanan ang mga Igorot ngunit hindi na nakabalik pang muli. Ang kanyang pagkamatay ang siyang naging dahilan sa unang pakikipagsapalaran ni Lam-Ang.

Namongan

Siya naman ang Ina ni Lam-Ang. Siya ay matatag at mapagmahal na ina na nagturo ng mahahalagang aral sa kanyang anak. Sinubukan niyang pigilan ang mapusok na hangarin ni Lam-Ang ngunit mas nanaig ang kagustuhan ni Lam-Ang na maglakbay at hanapin ang ama, buhay man o hindi na.

Ines Kannoyan

Ang magandang dalaga mula sa bayan ng Calanutian na bumihag sa puso ng ating Bida. Siya ang napangasawa ni Lam-Ang at maliban sa kanyang kagandahan, siya ay kilala rin sa kaniyang kabutihan at pagiging huwarang asawa.

Sumarang

Isa sa mga karibal ng ating pangunahing tauhan sa matamis na oo ni Ines Kannoyan. Si Sumarang ay may pambihirang lakas ngunit natalo pa rin siya ni Lam-Ang sa kanilang paghaharap.

Lakay Marcos

Siya ay isa sa mga tauhang tumulong kay Lam-Ang sa pagkuha sa atensyon at pag-ibig ni Ines Kannoyan. Siya ang nagsilbing mensahero sa pamilya ni Ines upang maipaabot ang hangarin ni Lam-Ang.

Huling Hirit

Ang epikong Biag ni Lam-Ang ay hindi lamang simpleng salaysay sa pakikipagsapalaran ng natatanging bida kundi mahalagang bahagi rin ng ating kultura. Minulat tayo nito sa iba't ibang katangian ng mga Pilipino na kahit noon pa man ay patuloy nang nananalaytay sa ating dugo.

Sa pamamagitan ng mga katangian, kalakasan, at pati ang papel ng mahiwagang alaga na tandang at aso, naipapakita ng akda sa atin na kahit ang pinakamakapangyarihang bayani ay hindi perpekto. Kaya anuman ang ating sitwasyon, sino man tayo, at saan man tayo mapadpad, ang pagkakaroon ng pagkakamali ay bahagi ng ating pakikipagsapalaran sa buhay. 

Sa bawat tagumpay at kabiguan ni Lam-Ang, makikita natin ang ating sarili mula sa ipinamalas na katapangan, diskarte, at pag-ibig sa pamilya. Sa bandang huli, ito ay repleksyon ng ating pagiging malakas ngunit may limitasyon pa rin. Tunay man tayong matapang, tayo ay may kahinaan pa rin. Higit sa lahat, nangunguna ang pusong kayang magmahal nang walang pasubali.


McJulez

McJulez is a dedicated writer with a passion for creating concise summaries, sharing insightful notes, and offering fresh perspectives on various topics. With a Bachelor’s degree in Business Administration and a background in campus journalism, McJulez is committed to delivering content that is both reliable and enriching. Focused on fostering a healthy learning community, McJulez aims to make this platform a space for knowledge, growth, and meaningful connections.

Post a Comment

Previous Post Next Post