Ang Ibong Adarna ay isang tanyag na korido sa larangan ng panitikan sa Pilipinas. Una itong nailimbag noong ika-19 na siglo.
Original language: Filipino
Author: Often associated with Jose de la Cruz (Huseng Sisiw)
Genre: Fantasy, Folk-tale
Publication place: Philippines
Characters
Don Juan |
Don Diego |
---|---|
Don Pedro |
Haring Fernando |
Reyna Valeriana |
Ibong Adarna |
Donya Juana |
Donya Leonora |
Donya Maria Blanca |
Matandang Leproso |
Ermitanyo |
Haring Salermo |
Isa sa inikotan ng kwento ay ang paglalakbay ng tatlong prinsipe na bumida sa kwento upang dakpin ang mahiwagang Ibong Adarna. Ang ibong ito ay may kapangyarihang magpagaling ng anumang sakit kaya naman ganin na lamang ang kinalang kagustuhan na mahuli ito para sa amang may karamdaman.
Ang bawat tauhan sa ating matutunghayang kwento ay may natatanging papel at katangian na nagbibigay ng natatanging mensahe at aral sa mga mambabasa, lalo na sa mga estudyante.
Kaya't halika at atin munang lakbayin ang Kaharian ng Berbanya at kilalanin ang mga tauhang bumubuo dito!
{tocify} $title={Table of Contents}
Mga Tauhan sa Ibong Adarna at ang Katangian
Don Juan
Si Don Juan ang bunso sa tatlong magkakapatid na prinsepe sa kaharian ng Berbanya. Siya ay kilala sa kanyang kabutihan, tapang, at malasakit sa kapwa. Siya lang din ang tanging prinsipe na matagumpay na nahuli ang Ibong Adarna na siyang nakapagpagaling sa kanilang ama na si Haring Fernando.
Gayunpaman, bago siya nagtagumpay ay hinarap niya ang napakaraming unos. Siya rin mismo ay naging biktima ng inggit at pagtataksil ng kanyang mga kapatid na walang ibang inuna kundi ang sarili nila.
Don Pedro
Si Don Pedro naman ang panganay na prinsipe at ang unang naglakbay upang hanapin at iuwi ang Ibong Adarna. Bagama't siya ay magiting, naglalaman naman ng inggit at kasakiman ang kaniyang puso.
Nakuha niyang ipagkanulo niya ang kanyang kapatid na si Don Juan. Ang kanyang mga aksyon ay nagdulot ng masamang imahe sa kaniya.
Don Diego
Si Don Diego ang pangalawang prinsipe na sumunod rin sa yapak ng kanilang kuya na si Don Pedro. Siya ay nahulog rin sa tukso ng kasakiman at inggit.
Isa siya sa nagdagdag ng sakit sa ulo at nagpahirap kay Don Juan maliban pa sa mga pagsubok na hinarap nito.
Basahin din:
Haring Fernando
Siya ang natatanging hari sa kaharian ng Berbanya. Ang ama nina Don Pedro, Don Diego, at Don Juan at asawa ni Reyna Valeriana.
Dahil sa isang masamang panaginip, siya ay nagkasakit at kahut sinong mangagamot na tumingin sa kaniya ay hindi siya gumaling. Gayunpaman, tanging ang awit ng Ibong Adarna ang nakapagpagaling sa kanya.
Ang kanyang sakit ay nagbigay daan sa mga pagsubok na pinagdaanan ng kanyang mga anak. Ito rin ang nagbigay klaro sa atin kung anong klaseng tao ang tatlong hari.
Reyna Valeriana
Siya naman ang ina nina Don Pedro, Don Diego, at Don Juan at kabiyak ni Haring Fernando.
Siya ay isang mabait at maaalalahaning ina na tumulong sa paghahanap ng lunas para sa kanyang asawa. Ang kanyang pagmamahal sa pamilya ay isang mahalagang aspeto ng kwento.
Ibong Adarna
Ang Ibong Adarna ay isang mahiwagang ibon na may makulay na balahibo. Ang awit nito ay may kakayahang magpagaling ng anumang sakit. Ang sinumang madapuan rin ng kanyang dumi ay magiging bato.
Ang ibong ito ang sentro ng kwento at simbolo ng pag-asa at himala. Mailap man pero sa huli ay naiuwi rin sa kaharian upang pagalingin ang may karamdaman na hari.
Ermitanyo
Isa siyang matandang tagapayo na nakasalubong ni Don Juan habang tinutungo ang lugar ng mailap na ibon. Siya ang tinutukoy ng isa pang tauhan na kaharapin muna para malaman ang tungkol sa mga kailangan niyang gawain para mapasakamay niya ang Ibong Adarna.
Matandang Leproso
Ang Matandang Leproso ay isang misteryosong matanda na nagbigay ng babala kay Don Juan tungkol sa mga panganib na maaaring kaharapin sa kanyang misyon. Ang kanyang paalala ay nagsilbing gabay kay Don Juan sa kanyang paglalakbay. Siya ang nagsabi kay Don Juan na harapin muna ang ermitanyo.
Donya Juana
Isa siyang prinsesa at ang babaeng iniligtas ni Don Juan mula sa higanteng nagbabantay dito. Ang kaoatid ng isa pang karakter na kilala sa oangalan na Donya Leonora.
Donya Leonora
Ang nakakabatang kapatid ni Donya Juana na iniligtas din ni Don Juan mula sa kamay ng serpyenteng pito ang ulo.
Donya Maria Blanca
Siya ay isa ring prinsesa na matatagpuan naman sa kaharian ng Delos Cristal. Katulad ng amang si Haring Salermo, nagtataglay rin siya ng makapangyarihang mahika. Lingid sa kaalaman ng ama, ang kaniyang mahika ay mas makapangyarihan.
Haring Salermo
Siya ang Hari sa kaharian ng Delos Cristal na nagtataglay ng itim na mahika. Siya ay kilala rin bilang ama ni Donya Maria Blanca.
Mga aral na mapupulot sa mga tauhan
- Kabutihan at katapatan
- Pagpapatawad sa kapwa at kadugo
- May Pag-asa at Himala
- Ang pagmamahal sa pamilya ay walang katumba
Huling Hirit: Kapag gusto, laging may paraan
Natutunan natin sa kwentong Ibong Adarna ang ilang mahahalagang aral na patuloy na nagbibigay gabay sa mga mambabasa. Kabilang dito ang pagbuhos ng lahat ng makakaya para magawa ang isang bagay kahit gaano pa ito kahirap. Mula sa isang kasabihan, kapag gusto ay laging may paraan.
Sa pamamagitan ng mga tauhan na ating nakasalamuha sa kwento, natutunan natin ang kahalagahan ng kabutihan, katapatan, pagpapatawad, at pagmamahal sa pamilya. Ito ay hindi lamang salaysay sa buhay ng mga bida, kundi isa ring salamin ng mga pagpapahalaga na dapat taglayin ng bawat isa sa atin, anuman ang edad at estado sa buhay.