Ang Florante at Laura ay isang obra maestra na maihahalintulad sa moro-moro o komedya sa anyong patula at mahabang salaysay. Ang original nitong pamagat ay Pinagdaanang Buhay ni Florante at ni Laura sa Cahariang Albania – Quinuha sa Madlang Cuadro Historico o Pinturang Nagsasabi nang manga Nangyari nang unang Panahon sa Imperio nang Grecia – at Tinula nang isang Matouian sa Versong Tagalog.
Original language: Filipino
Author: Francisco Baltazar
Pen name: Balagtas
Genre: Epic poetry, metrical romance or awit, long narrative poem
Publication date: 1838
Publication place: Philippines
Characters
Florante | Laura |
---|---|
Aladin | Adolfo |
Duke Briseo | Princesa Floresca |
Menandro | Antenor |
Miramolin | Sultan Ali-Adlaw |
Konde Sileno | Menalipo |
Hanggang saan ang kaya mong gawin para sa iyong minamahal? Sa ating bida ngayon sa pahinang ito ay handang hamakin ang lahat para sa minamahal niyang kabiyak.
Ang akdang Florante at Laura ang siyang tampok sa usapin ngayon at ito ay isinulat ni Francisco "Balagtas" Baltazar. Bukod sa pinaghalong lungkot at saya sa kwentong ito, atin ring masusubaybayan ang pag-ibig, pagtataksil, at pakikibaka ng mga tauhan sa paghubog ng mensahe ng akda.
Ang bawat karakter ay may kanya-kanyang simbolismo at papel na nagbibigay buhay at lalim sa kwentong ito. Sa pamamagitan ng sulating ito, pag-aaralan natin nang mas malalim ang mga tauhan sa Florante at Laura. Mula sa ating pangunahing bida hanggang sa mga sumusuportang karakter, bubusisiin ang mga katangian at ang mga aral na nais iparating sa bawat mambabasa.
Kaya't halika at atin munang puntahan ang lupain ng Albanya kung saan ang mga bida sa kwento ay ating kikilalaning mabuti.
{tocify} $title={Table of Contents}
Mga Tauhan sa Florante at Laura
Florante
Si Florante ang pangunahing tauhan sa kwento at siya'y anak ni Duke Briseo at Prinsesa Floresca. Siya ang tinaguriang tagapagtanggol ng Albanya at kilala bilang isang magiting na mandirigma.
Maliban sa katapangan, si Florante ay may malalim din na damdamin at pagmamahal sa kanyang pamilya, baya, at kay Laura. Handa niyang hamakin ang lahat masunod lamang to.
Sa kabila ng mga pagsubok at pagtataksil ng ilang malapit sa kaniya, pati ang kaniyang pagkagapos sa gitna ng kagubatan, nanatili pa rin siyang matatag, mapagpakumbaba, at may malasakit sa iba. Ito ay mga katangiang tunay na kahanga-hanga.
Laura
Si Laura naman ay isang prinsesa na anak ni Haring Linceo. Siya ay sagisag ng dalisay na pag-ibig at katatagan ng loob. Bukod sa kanyang kagandahan, may anking din siyang talino at matatag ang kalooban. Siya ang katipan ni Florante.
Sa kabila ng mga balakid at panganib, nanatili siyang tapat at naghintay sa pagbalik ni Florante. Nang siya ay nasa panganib sa kamay ni Adolfo, iniligtas siya ni Flerida.
Aladin
Si Aladin ay isang mandirigma na nagmula sa kahariang Persiya. Siya ay isang moro din. Anak siya ni Sultan Ali-Adab, at kilala rin siya bilang katipan ni Flerida.
Ang kanyang katapangan, katarungan, at kabutihang-loob ay simbolo ng kaniyang pagiging mabuting tao at kaibigan. Dagdag dito ang kaniyang pagliligtas sa kaibigang si Florante.
Adolfo
Anak ni Konde Sileno, si Adolfo ay ang tinaguriang pangunahing kontrabida at kinaiinisan sa kwento. Maliban sa pagiging isang traydor, ang masamang balak niya na agawin ang trono ng Albanya ay isang basehan ng kaniyang maiitim na budhi.
Siya lang din naman ang nagpasakit kay Florante sa pamamagitan ng panlilinlang at pagtataksil. Tunay siyang simbolo ng kasamaan, inggit, at kasakiman. Pakakakitaan ang kaniyang karakter ng madilim na bahagi ng tao kung saan kailangang lampasan upang maging matiwasay ang buhay.
Duke Briseo
Siya naman ang natatanging ama ni Florante at tagapagtanggol ng Albanya. Siya ay isa ring matapang at marangal na lider at tagapayo ni Haring Linceo. Lubos ang kaniyang pagmamahal sa kanyang pamilya at bayan. Tunay siyang simbolo ng katatagan sa buong kwento.
Princesa Floresca
Isa siyang princesa mula sa kaharian ng Krotona at ang ina ni Florante. Maliban sa pagiging mahinahon, maaalalahanin, at mapagmahal na ilaw ng tahanan, siya ang simbolo ng isang mapagmahal na ina na laging nagdarasal para sa kaligtasan ng pamilya.
Menandro
Isa si Menandro sa mga tunay at tapat na kaibigan ni Florante. Maliban sa pagiging matapang at totoo, siya ang kasangga ng pangunahing tauhan sa mga digmaan. Siya rin ang nagligtas sa bida sa bingit ng kamatayan.
Antenor
Siya ay isa ring mabuting kapwa na amain ni Menandro at guro sa Atenas. Kilala siya sa kaniyang katapatan, katapangan at kagitingan. Handa siyang magsakripisyo para sa kabutihan ng kanyang bayan, kaibigan at lahat ng malalapit sa kaniya.
Miramolin
Siya naman ang Hari ng Persiya at ama ni Aladin. Isa siyang makapangyarihan na lider na minsang lumusob sa Albanya.
Sultan Ali-Adlaw
Siya ay isa pang kaaway nina Florante at Aladin. Siya ay simbolo ng mga hamon at panganib sa labas ng kanilang mundo.
Konde Sileno
Siya ay isang konde ng Albanya na ama ni Adolfo.
Menalipo
Kilala siya bilang pinsan ni Florante na siyang nagligtas sa ating bida mula sa buwitre na muntik nang dumagit sa kanya noong siya ay kakasilang pa lamang.
Osmalik
Isa siyang Persyanong heneral na sa kasamaang-palad ay napatay ni Florante.
Ang Papel ng mga Tauhan sa Florante at Laura
Ang bawat tauhan sa kwentong ito ay may mahalagang bahagi na siyang nagpalalim sa mga tema nito. Naging mabisa ang kanilang parte upang maisakatuparan ang paglalahad sa mensaheng nais imulat sa mata ng bawat mambabasa.
Halimbawa ay si Florante, na nakilala natin bilang pangunahing bida, ay nagpakita ng simbolo ng katapangan, pagmamahal, at katapatan. Si Laura naman ay sumisimbolo sa wagas na pag-ibig na nagbibigay lakas at pag-asa.
Kagaya sa buhay, hindi mawawala ang mga taong sakim sa kapangyarihan at ito ay binigyang-buhay ng ating pangunahing kontrabida na si Adolfo. Pinapaalala niya sa atin ang mga pagsubok at hamon na dala ng kasakiman at pagtataksil. Gayunpaman, may mga tao rin na handang sumuporta sa atin sa anumang unos at dito papasok sina Aladin at Menandro na simbolo ng pagkakaibigan at pagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba-iba.
Ang iba pang karakter tulad nina Duke Briseo, Floresca, Miramolin, at Sultan Ali-Adlaw ay nagdadagdag ng lalim at kulay sa kasaysayan at politika ng kwento. Sa tunay na buhay, nakikita rin natin ang kanilang katauhan sa ibang politiko na nakaupo sa pwesto.
Mga Aral mula sa Mga Tauhan
Katapangan at Katapatan
Matutunan ito kay Florante, Aladin at Menandro ang kahalagahan ng pagiging matapang at tapat sa sariling paniniwala at minamahal.
Wagas na Pag-ibig
Masisilayan ito sa pagmamahalan nina Florante at Laura na handang suungin ang lahat ng bagay kahit gaano pa ito kapanganib.
Pagbabago at Pagkakaibigan
Ipinakita nito ni Aladin na kahit nagmula pa siya sa ibang kaharian, ang pagkakaibigan at pagtanggap ay posibleng mangyari. Nasa tao lang din naman ito kung mabuti ang hangarin.
Masamang-budhi
Hindi kailanman naitatago ang pagkamasama ng isang tao. Napatunayan natin ito sa karakter ni Adolfo na dahil sa inggit at kasakiman ay nakuha niyang magtaksil. Ang mga bagay na ito ay dapat labanan sa sistema dahil maari tayo notong gawin na masama kagaya ng nangyari kay Adolfo.
Huling Hirit: Ang ugali't emosyon ay may pinag-uugatan
Mula sa pag-aaral ng mga katangian at papel ng mga tauhan sa kwentong ito, mas naiintindihan natin ang pinagmumulan ng emosyon at pag-uugali. Ito ay hindi lang namamana kundi nakukuha sa ating paligid at insekuridad sa sarili at ibang tao.
Maliban dito, ating nasaksihan din ang wagas na pagmamahal, katapangan, pagkakaibigan, at pagharap sa hamon ng buhay. Binuksan ng kwento ang ating mga mata sa realidad ng mundo na patuloy na bumubulag sa iba.
Salam at po dito!
ReplyDeletemaraming salamat po dito laking tulog
ReplyDelete