Pagsusuri sa Dagling "Maligayang Pasko" ni Eros S. Atalia Gaget at Tignay: Pagsusuri sa Dagling "Maligayang Pasko" ni Eros S. Atalia

Pagsusuri sa Dagling "Maligayang Pasko" ni Eros S. Atalia

Maligayang Pasko ni Eros S. Atalia

Sa bawat salitang hinahabi ng manunulat upang makabuo ng kwento, isang nakatagong mensahe ang nais ihatid. Binubuksan nito ang mga mata ng bawat mambabasa sa paksang pinagtutuunan ng pansin. 

Isang halimbawa ng sulating may hatid na aral ang dagling pinamagatang "Maligayang Pasko" ni Eros S. Atalia. Isa itong akda na nagpapahiwatig sa atin sa tunay na diwa ng pasko, at ito ang pagbubigayannat pagsasakripisyo.

Atin ngayong suriin ang nilalaman nito at hihimay-himayin natin ang nais nitong ipamulat sa atin sa pamamagitan ng pagtalakay sa bawat elementong taglay ng isang dagli

{tocify} $title={Table of Contents}

Buod ng Kwento

Bilang paghahanda sa paparating na Noche Buena, abala sa pagluluto ang pangunahing tauhan. Kasama sa handa ang spaghetti, lechon de leche, morcon, embutido, paella, at pati rin ang pinasingaw na sugpo. 

Sa gitna ng mesa ay nandoon ang mga prutas kagaya ng mansanas, ubas, kahel, at peras, pati rin ang hiniwang keso de bola. Timplado na rin ang juice at inayos na rin niya ang tatlong pinggan, baso, kutsara, at tinidor sa mesa. 

Makalipas ang ilang sandali, kumuha siya ng isang supot na may apat na balot ng pagkain at naglakad sa lansangan. Ito ay sapat na para sa anim niyang anak at sa kanyang asawa. Bukas na ang araw ng pasko at uuwi naman siya sa kanilang tahanan. Bukas ay babalik siya at huhugasan din niya agad ang mga pinagkainan.

Mensahe

Ang dagli ay naglalarawan sa paghahanda ng mga pagkain sa parating na noche buena. Ipinakita dito ang pagbibigayan mula sa pamilyang pinagsisilbihan at sa sariling pamilya.

Anuman ang inihain o kahit gaano pa karami o kaunti ang pagsasaluhan, pinapaalala nito na ang diwa ng Pasko ay nasusukat sa pagmamahal at pag-aaruga na binabahagi natin sa ating mahal sa buhay.

Basahin din: Masusing Pagsusuri sa Anim na Sabado ng Beyblade ni Ferdinand Pisigan Jarin

Sa puntong ito, isang katanungan ang ating sasagutin. 

Para kanino ang inihandang noche buena ng tauhan sa dagling binasa?

Ang inihandang noche buena ay para sa pinapasukang trabaho kung saan siya ay isang katulong. Tatlong miyembro ang meron sa pamilyang ito batay sa tatlong pinggan at pares ng kubyertos na inilahad.

Sa kabilang banda, inilahad din na ito ay para sa pamilya ng tauhan na binubuo ng kaniyang anim na anak at asawa. Makikita ito sa huling bahagi ng akda nang siya’y lumabas bitbit ang isang supot ng pagkain.

Madali bang naunawaan ang binasa? Bakit?

Bagama't malinaw ang daloy ng kuwento, maaaring naguguluhan lamang ng kunti sa parteng pagkatapos niyang maghanda ay lumabas siyang may bitbit na binalot na pagkain. Epektibo naman ang ginamit na paglalahad sapagkat binuksan nito ang isipan sa realidad ng mundo sa pagitan ng mga may kaya at ang mga nakakaraos lang ng pagkain araw-araw ay okay na. Gayunpaman, iminulat sa atin ang kahalagahan ng pagbibigayan.

Estilo ng Pagsulat

Ang may-akda ay gumamit ng simple at malinaw na mga salita, na madaling maunawaan ng sinumang mambabasa. 

Tauhan

Ang pangunahing tauhan ay isang nagluluto at tagapagsilbi sa mayamang pamilya. Siya ay masipag at maasikaso. Hindi ipinakilala ang kaniyang pangalan ngunit malinaw na siya ay naglilingkod para iba ngunit iniisip pa rin niya ang sariling pamilya.

Tagpuan

Ang unang tagpuan ay ang loob ng bahay kung saan puno ng pagkain at kasaganahan ang hapag. Ang pangalawang tagpuan ay ang lansangan kung saan siya naglakad pauwi bitbit ang binalot na pagkain para sa pamilya.

Tema

Ang tema ay ang sakripisyo ng isang taong naglilingkod para sa iba habang may sarili ring pamilya na pinagsisilbihan. Anuman ang estado ng buhay, ang paggunita sa araw ng pasko ay pantay-pantay lamang para sa bawat isa.

Huling Hirit

Mula sa simula hanggang wakas ng dagli, ipinakita ang sakripisyo at pagmamahal ng isang taong naglilingkod para sa iba, habang hindi kinakalimutan ang taos-pusong pagmamahal at pagsisilbi sa sariling pamilya. 

Sa makatuwid, ang kwentong Maligayang Pasko ay isang paalala na ang diwa ng Pasko ay makikita sa ating kakayahang magbahagi at magsakripisyo para sa mga mahal natin sa buhay. Simple man ito o magrabo, ang mahalaga ay galing sa puso.

 

McJulez

McJulez is a dedicated writer with a passion for creating concise summaries, sharing insightful notes, and offering fresh perspectives on various topics. With a Bachelor’s degree in Business Administration and a background in campus journalism, McJulez is committed to delivering content that is both reliable and enriching. Focused on fostering a healthy learning community, McJulez aims to make this platform a space for knowledge, growth, and meaningful connections.

Post a Comment

Previous Post Next Post