Bilang isang mag-aaral na mahilig magbasa at magsulat, malaking bagay para sa akin ang pagtalakay sa mga usaping may kinalaman sa pagsusulat. Hindi lang dahil may natututunan akong bago kundi nagagamit ko rin ito noon sa tuwing ako ay nakikilahok sa mga paligsahan. Isa dito ang tayutay na katumbas ng figure of speech sa Ingles.
Marahil hindi na rin bago sa iyo ang konsepto ng tayutay. Karaniwan itong tinatalakay sa klase, lalo na sa asignaturang Filipino. Upang mas palawakin pa ang iyong kaalaman tungkol sa tayutay mula sa kahulugan nito, mga uri, at mga halimbawa, akin itong ipapaliwanag sa inyo.
{tocify} $title={Table of Contents}
Pagbibigay-kahulugan sa Tayutay
Ang tayutay ay isang masining na paraan ng pagpapahayag ng mga ideya. Hindi tuwirang ipinapahayag ang kahulugan at minsan ay ginagamitan ng matatalinghagang salita upang magbigay ng mas malalim na larawan o mensahe sa mambabasa.
Ang layunin nito ay gawing mas makulay at masigla ang isang pahayag o teksto. Sa madaling salita, ang tayutay ay gginagamit ng mga manunulat upang maghatid ng masining o matalinghagang pahayag. Dahil dito, mas nagiging makulay at maganda ang dating ng kanilang sulatin.
Ano-ano ang mga uri ng tayutay?
Table: Iba't ibang uri ng tayutay at kahulugan nito
Tayutay | Kahulugan |
---|---|
Simili o Pagtutulad | Nagsasangkot o naghahambing ng isang bagay sa isa pang bagay na may ibang uri. Ito ay ginagamit upang gawing mas maliwanag o masigla ang paglalarawan. |
Metapora o Pagwawangis | Ang isang salita o parirala ay inilalapat sa isang bagay o aksyon na kung saan ito ay hindi literal na naaangkop. |
Personifikasyon o Pagtatao | Ang mga bagay ay binibigyan ng katangian, kilos, o damdamin na karaniwang naihahambing sa mga tao. |
Apostrope o Pagtawag | Ginagamit sa pakikipag-usap sa mga bagay na maaring may buhay o wala na parang kaharap niya wala naman talaga ito. |
Paghihimig (Onomatopeya) | Mas kilala ang paghihimig sa Ingles bilang Onomatopoeia. Ito ay isa uri ng tayutay kung saan pinapahiwatig gamit ang tunog ng isang bagay ang kahulugan nito. |
Pagmamalabis o Hayperboli | Ito ay isang tayutay na nagpapakita ng kalabisan at imposibleng mangyari sa buhay ng tao, bagay, o pangyayari. |
Senekdoke o Pagpapalit-saklaw | Paggamit ng isang salita o parirala na sumasangguni sa bahagi ng isang bagay. Hinahalili nito ang isang salita para tumayo ito ng kabuuan o kabaliktaran. |
Pagpapalit-tawag o Metonymy | Isang figure of speech kung saan ginagamit ang isang salita bilang panaklaw sa isa pang salita na nauugnay dito. |
Aliterasyon | Isang tayutay kung saan ay lumilitaw ang parehong titik o tunog ng simulang salita sa mga katabi nitong salita na magkakasunod-sunod. |
Ngayon nabigyan na natin ng kahulugan ang bawat isa, sana alam mo na ang pagkakaiba ng mga ito.
Kaugnay na aralin: Pang-ugnay sa Panimula, Gitna, at Wakas ng Sulatin
Table: Iba't ibang uri ng tayutay at halimbawa nito
Tayutay |
Halimbawa |
---|---|
|
|
Metapora o Pagwawangis |
|
Personifikasyon o Pagtatao |
|
Apostrope o Pagtawag |
|
Paghihimig (Onomatopeya) |
|
Pagmamalabis o Hayperboli |
|
Senekdoke o Pagpapalit-saklaw |
|
Pagpapalit-tawag o Metonymy |
|
Aliterasyon |
|
Bakit Mahalaga ang Tayutay sa Pagsusulat?
Ang tayutay ay may mahalagang papel sa pagsusulat ng mga akdang pampanitikan. Bukod sa pagpapaganda ng mga pahayag, nakakatulong din ito upang magbigay ng mas malalim na kahulugan at makulay na paglalarawan.
Ang paggamit ng mga tayutay ay nagsisilbing tulay para mas maging makulay ang ilang sulatin kagaya na lamang sa malikhaing pagsusulat kung saan ginagamitan rin ng malawak na imahinasyon ang akda.
Kaugnay na aralin: Malikhaing Pagsulat: Kahulugan, Pagkakatulad at Pagkakaiba sa iba pang Uri ng Pagsulat
Mas pinapalakas nito ang mensahe na nais iparating ng isang manunulat, kaya't nagiging mas kapana-panabik at kawili-wili ang mga teksto.
Pangwakas
Sa artikulong ito, binigyang linaw kung gaano kahalaga ang tayutay sa larangan ng panitikan. Bagama't tila makulay ang mga tayutay, ang paggamit ng mga salitang ito ay maaaring makapaghusay sa tula o iba pang uri ng panitikan.
Atin nalaman na ang tayutay ay nagbibigay din ng buhay sa ating wika. Tunay na malalim ang kahulugan pero nakadadagdag ito sa ganda at daloy ng mga panitikan.
Mula sa mga halimbawa at uri ng tayutay na iyong natunghayan, sana ay mas tumibay ang pagka-intindi mo sa iba't ibang uri ng tayutay.
Salamat po dito
ReplyDeleteMaraming salamat po sa post na ito :)
ReplyDeleteTayutay Kahulugan, Tayutay Halimbawa
ReplyDelete