Malikhaing Pagsulat: Kahulugan, Pagkakatulad at Pagkakaiba sa iba pang Uri ng Pagsulat

Sa paglikha ng mga sulatin, may isang bagay na namumukod-tangi. Ang bagay na ito ay ang kakayahang maglakbay gamit ang ating imahinasyon. Sa ating pagiging malikhain, hindi natin napapansin na nakakagawa tayo ng mga sulating tunay na maganda at kapupulutan ng magagandang impluwensiya.

Sa kabilang banda, ano nga ba ang pinagkaiba ng malikhaing pagsusulat sa iba pang uri ng sulatin? Meron din bang pagkakatulad ang mga ito? Ang lahat ng ito ay ating tatalakayin ngayon.

{tocify} $title={Table of Contents}

Malikhaing Pagsulat: Kahulugan, Pagkakatulad at Pagkakaiba sa iba pang Uri ng Pagsulat

Panimula

Alam natin na ang pagsusulat ay isang paraan ng paglalakbay gamit ang ating isipan at natatanging kakayahan. Naipapahayag natin ang ating mga saloobin, maging ang ating mga ideya at karanasan. 

Sa mga asignaturang tulad ng Filipino sa Grade 12, matututunan ng mga estudyante kung paano magsulat ng mga sanaysay at kwento gamit ang mga kasanayan sa malikhaing pagsulat. Mas mapapabuti rin ang kasanayan sa pagsusulat ng tula, maikling kwento, at alamat, na nagpapakita ng pagiging malikhain ng isang estudyante.

Ano Ang Malikhaing Pagsulat

Ang malikhaing pagsulat ay isang uri ng pagsusulat na may layuning lumikha ng mga akdang puno ng malarosas na mga salita, o di kaya nama'y mga palaisipan. Sa pamagat pa nga lang minsan ay mahihikayat na ang mga mambabasa. 

Sa Ingles, tinatawag itong creative writing, na may layuning maghatid ng mensahe gamit ang malawak na pag-iisip at emosyon. Sa uri ng pagsusulat na ito, karaniwang gumagamit ang manunulat ng mga elemento kagaya ng mga simbolismo na naglalarawan sa isang bagay. Kasabay nito ang malawak na imahinasyon.

Madalas ding hinahaluan nga mga salitang may tayutay o di kaya'y mga salawikain upang mas maipabatid ang malalim na emosyon na siyang nais iparating ng isang manunulat sa kaniyang mga mambabasa. 

Kaugnay na sulatin: Salawikain sa Makabagong Panahon, Nananatiling Gabay ng Kabataang Pilipino

Sa madaling salita ay malaya ang manunulat na isaad ang kaniyang nararamdaman gamit ang kaniyang imahinasyon.

Pagkakatulad at Pagkakaiba ng Malikhaing Pagsulat at Teknikal na Pagsulat

Parehong uri ng pagsulat ang malikhain at teknikal na pagsulat. Ang mga ito ay nagsisilbi rin bilang isang paraan ng pakikipagkomunikasyon.

Gayunpaman, mayroon ding pagkakaiba ang dalawang ito. Una ay sa paggamit ng mga salita. Pangalawa ang layunin nila. Sa malikhaing pagsulat, gumagamit ang may-akda ng mga matatalinhagang salita. Layunin din nitong magbigay ng malikhain at emosyonal na karanasan.

Sa kabilang banda, mas pormal ang mga salitang ginagamit ng awtor. Dagdag pa diyo ay layunin nitong magbigay ng malinaw at tiyak na impormasyon sa bawat mambabasa.

Pagkakatulad at Pagkakaiba ng Malikhaing Pagsulat at Propesyonal na Pagsulat

Maliban sa pagiging uri ng  pagsulat, ang malikhain at propesyonal na pagsulat ay pareho ring isinasaalang-alang ang paggamit ng wastong balarila o gramatika.

Sa kabilang banda, naiiba ang malikhaing pagsulat sa paggamit ng malayang pag-iisip upang mabuo ang isang sulatin. Mararamdaman din dito ang emosyon ng sumulat.

Ang propesyonal na pagsulat naman ay gumagamit ng mas pormal at teknikal na bokabularyo. Ang bawat pangungusap ay malinaw sa mga mambabasa.

Pagkakatulad at Pagkakaiba ng Malikhaing Pagsulat at Akademikong Pagsulat​

Ang malikhaing pagsulat at akademikong pagsulat ay parehong may layunin na maghatid ng impormasyon at ideya. Ginagamitan din ang dalawa ng wastong gramatika upang maunawaan ang gusto nilang iparating sa madla.

Sa malikhaing pagsulat, ang isa sa layunin nito ay ang maghatid ng karanasan sa masining na paraan. 

Samantala, ang akademikong pagsulat ay naglalayong magbigay ng kaalaman at impormasyon. Mas nakakakumbinse ang mga sulating ito sapagkat nilalagyan ito ng mga datos at mga solid na argumento na siyang sumusuporta sa mga kaisipang binanggit.

Table: Pagkakaiba ng Malikhain, Propesyonal at Akademikong Pagsulat

Malikhaing Pagsulat Propesyunal na Pagsulat Akademikong Pagsulat
Layunin Layunin Layunin
Naglalayong magpahayag ng imahinasyon at damdamin. Naglalayong maghatid ng propesyunal na mensahe. Naglalayong magbigay ng impormasyon batay sa pananaliksik.
Halimbawa Halimbawa Halimbawa
Tula, maikling kwento, sanaysay, nobela. Email, resume, iba't ibang business transactions. Thesis, research paper.
Estilo Estilo Estilo
Malikhain at malaya ang porma at nilalaman. Pormal at may wastong istruktura. Masusing pagsisiyasat ang isinasagawa.
Wika Wika Wika
Malaya, may mga tayutay at simbolismo. Pormal at ayon sa propesyunal na istilo. Pormal at karaniwang ginagamitan ng iba't ibang pang-akademikong termino.
Mambabasa Mambabasa Mambabasa
Ang masa, bata, matanda, o kahit sino ano mang oras. Kasamahan sa trabaho o mga kliyente. Mag-aaral, guro, eksperto.

Pangwakas

Sa malikhaing pagsusulat, tunay na may kalayaan tayong ihayag ang ating sarili at maging ang ating mga imahinasyon, saloobin, at nararamdaman. Bagama't may kaniya-kaniya tayong estilo, may isang bagay pa rin na magkakatulad tayo at ito ang ating pagiging malikhain.

Sa iba pang uri ng pagsusulat naman, mahalagang malaman ang motibo at kung para saan ang ating sinusulat para masunod ng maayos ang wastong pormat.

Hindi mahirap magsulat, pero kung hindi alam ang pagkakaiba ng bawat isa, tiyak na papasok ang terminong mahirap. Kailangan lang ng pasensya at patuloy na pagsusulat para mas maging magaling sa larangang ito.

McJulez

McJulez is a dedicated writer with a passion for creating concise summaries, sharing insightful notes, and offering fresh perspectives on various topics. With a Bachelor’s degree in Business Administration and a background in campus journalism, McJulez is committed to delivering content that is both reliable and enriching. Focused on fostering a healthy learning community, McJulez aims to make this platform a space for knowledge, growth, and meaningful connections.

Post a Comment

Previous Post Next Post