Kasabihan | Pinanggalingan at Paroroonan Gaget at Tignay: Kasabihan | Pinanggalingan at Paroroonan

Kasabihan | Pinanggalingan at Paroroonan

Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan

Madalas sabihin sa atin na kahit saan man tayo mapadpad at ano man ang ating marating, huwag sana tayong makalimot sa ating pinanggalingan.

Narito ang salawikain na siyang nagpapaalala sa atin ng mensaheng ito.

Salawikain at Mensahe

Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan

Ano ang ibig sabihin nito?

Ito ay paalala na dapat nating alalahanin at pahalagahan ang ating pinagmulan. Kabilang dito ang pamilya, bayan at ang mga taong nanatili noong panahong walang-wala tayo at nagsilbing salbabida upang tayo ay makaahon. 

Ang pagtanaw ng utang na loob ay bahagi ng mensaheng iyo ngunit hindi ito dapat gamiting pansumbat sa tulong na ibinigay.

Sa kabuoan, ang pagtanaw sa ating pinagmulan at ang pagpapakumbaba ay nagbibigay direksyon sa ating hinaharap.

Para sa mga estudyante

Ang kasabihang “Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan” ay paalala sa mga estudyante na huwag kalimutan ang mga tao at karanasang naging bahagi ng kanilang paglalakbay patungo sa pag-abot ng kanilang pangarap. 

Ito ay nagtuturo ng mga sumusunod:

Pasasalamat
Pagbibigay-salamat sa tulong at sakripisyo ng iba para sa’yo.

Pagpapakumbaba
Kahit gaano kataas ang iyong marating, manatiling nakaapak sa lupa ang mga paa. Manatiling mabuti a humble sa Ingles.

Pagbabahagi
Pagbabalik sa kabutihang natanggap mo sa pamamagitan ng pagtulong din sa iba.

Kabuuang Aral

Ang patuloy na progreso ay hindi lang tungkol sa pag-angat, kundi pati rin ang pagbabalik ng kabutihang-loob at pagtanaw sa ating pinanggalingan.

McJulez

McJulez is a dedicated writer with a passion for creating concise summaries, sharing insightful notes, and offering fresh perspectives on various topics. With a Bachelor’s degree in Business Administration and a background in campus journalism, McJulez is committed to delivering content that is both reliable and enriching. Focused on fostering a healthy learning community, McJulez aims to make this platform a space for knowledge, growth, and meaningful connections.

Post a Comment

Previous Post Next Post