Pacific Ring of Fire, Pugon nga ba ng mga Aktibong Bulkan?

Pacific Ring of Fire

Madalas nating mapanuod sa mga balita ang kaliwa't kanang pagsabog ng mga bulkan. Kalimitan na ang mga bansang pugon ng mga aktibong bulkan ay yung mga malapit sa tinatawag na Pacific Ring of Fire.

Maliban sa nakakaintriga, isa din ito sa napapanahong usapin na kailangang pagtuunan ng pansin hindi lamang ng mga estudyante kundi pati rin ng bawat indibidwal.

Marahil maraming bumabagabag ngayon sa iyong isipan kabilang na kung kabilang nga ba ang Pilipinas sa mga bansang apektado nito. Ang sagot ay, oo. Pero kung paano't bakit kabilang ito ang siyang ating tutuklasin.

{tocify} $title={Table of Contents}

Pacific Ring of Fire
Ang litratong ito ay Mula sa Canva

Ang Pacific Ring of Fire

Ang Pacific Ring of Fire ay matatagpuan sa Pacific Ocean at tumatayang umaabot sa 40,000 kilometro ang lawak. Dito madalas naitatala ang mga lindol at pagbulwak ng mga lava.

Mula sa imahe sa taas, mapapansin na ang hugis nito ay parang horseshoe o sapatos ng kabayo. Mas mapanganib pa ito kaysa sa ating inaakala. Kahit ang sipa ng kabayo ay walang-wala sa posibleng mangyari kung sumabog ang isa sa mga bulkang nandirito.

Maliban sa Pilipinas, may 14 pang bansa na nasa loob nito. Ito ang New Zealand, Papa New Guinea, Japan, Indonesia, United States, Chile, Canada, Guatemala, Russia, Peru, Solomon Islands, Mexico at Antarctica.

Maiba, hindi ba't nilibot ni Magellan ang karagatan pero bakit kaya hindi niya napansin ang bahaging ito ng Pacific Ocean? Ironic nga eh.

Ang Pilipinas sa Pacific Ring of Fire

Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang nasa loob ng Pacific Ring of Fire. Dahil dito, marami nang naitala na balita tungkol sa pagkakaroon ng lindol, tsunami at pagsabog ng bulkan sa bansa. 

Tahanan din ang bansa ng 24 na aktibong bulkan. Ilan sa mga ito ay patuloy na nagpapakita ng senyales ng pagputok:

Bulkang Mayon sa Albay

Sa kabila ng kagandahan ng halos perpektong hugis nito, isa ang bulkang Mayon sa pinaka-aktibong bulkan sa Asya. Mula pa noong panahon ng Kastila, ilang beses na rin itong sumabog. Isa sa pinakahuli nitong pagbulway ay naitala noong Hunyo 14, 2023. Mahigit 15,000 na tao ang lumikas sa mga emergency shelters dahil sa kaganapang ito.

Bulkang Taal sa Batangas

Matatandaan na bigla na lang nagkarron ng phreatic eruption ang Bulkang Taal noong Pebrero 17, 2025 matapos ang mahabang katahimikan. Kasabay ng abo at takot ng mga lumikas na libo-libong Pilipino ang maraming hanapbuhay na naantala.

Bulkang Mayon
Ang litratong ito ay Mula sa Canva


Ayon naman sa isang ulat ng CNN, umabot sa tatlong milyahe ang ash plume o usok na abo nang sumabog ang Mount Kanlaon noon lamang Hunyo 3, 2025. Maraming biyaheng pahimpapawid ang nakansela at maraming pamilya ang lumikas muna dahil sa implikasyon ng pagsabog nito.

Ayon sa naitala, umabot sa 43 ang bilang ng naramdamang lindol. Isang patunay na nakakatakot ang maaring mangyari kapag napapaligiran tayo ng mga aktibong bulkan, lalo na't nasa loob pa ng Pacific Ring of Fire.

Para naman sa tamang kaalaman at wastong paghahanda, narito ang ilang bagay na dapat bigyang-pansin:

  • Pagkakaroon ng evacuation plan sa ating mga lugar.
  • Siguraduhing alam ng bawat miyembro ng pamilya kung saang evacuation center pupunta kapag may lindol o anumang kalamidad.
  • Sapat na kaalaman bawat mamamayan sa "duck, cover, and hold."

Kahalagahan at Implikasyon

Ang pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa Pacific Ring of Fire ay mahalaga para sa mga bagay kagaya ng disaster preparedness pati na rin sa pag-unawa sa mga natural na proseso ng ating planeta. 

Ito ay nagbibigay-daan din sa mga siyentipikong pag-aaral na makakatulong sa mas ligtas na pamumuhay, dahil sabi nga nila, lamang ay may alam.

McJulez

McJulez is a dedicated writer with a passion for creating concise summaries, sharing insightful notes, and offering fresh perspectives on various topics. With a Bachelor’s degree in Business Administration and a background in campus journalism, McJulez is committed to delivering content that is both reliable and enriching. Focused on fostering a healthy learning community, McJulez aims to make this platform a space for knowledge, growth, and meaningful connections.

Post a Comment

Previous Post Next Post